PAGHAHARI NI OBIENA SA QATAR, PINAGHANDAAN
- Clyde Mariano
- Apr 24, 2019
- 1 min read

PINATUNAYAN ni Ernest John Obiena ang kanyang kahandaan na ipagtanggol ang kanyang korona bilang hari sa pole vault sa Southeast Asian Games matapos manalo sa Asian Athletics na ginawa sa Qatar at ang kanyang golden leap na 5.71 meters na bagong record at binura ang lumang record na 5.70 meter ni Grigory Yegorov ng Kazakhstan noong 1993 sa Manila.
Tinalo ng 22-anyos na si Obiena na nag-ensayo sa Italy sa masusing gabay ni Ukrainian coach Vitaly Petrov ang kanyang mga kalaban kasama sina Zhang Wei at Huang Bokai ng China at kinuha ang pilak at tanso na parehong tumalon ng 5.66 meters. Nakuha ni Wei ang pilak sa mas mababang tangka. Hindi lang sina Wei at Huang, tinalo rin ni Obiena ang kanyang mga kalaban galing sa Japan at Korea.
Sa kanyang bagong record, nakapasok si Obiena sa World Athletics na gagawin sa Setyembre sa Qatar.Binura rin ni Obiena ang personal best 5.61 meters at hinigitan niya ang 5.30 meters na ginawa niya sa Chinese Taipei Athletics ngunit mas mababa sa Continental record na 5.92 meters na ginawa ni Igor Potapovich ng Kazakhstan noong 1998 sa Stockholm, Sweden.
Kamakailan nanalo si Obiena sa Thailand Open Invitational Athletics na ginawa sa Thammasat University track and field sa Bangkok at tinalo ang local boy at dating SEA Games champion Puranot Purahong at naka-pilak din sa Taiwan Athletics bago nasungkit ang ginto sa 2017 SEA Games sa Malaysia.





Comments