top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Matapos ang malakas na lindol — MMDRRMC | MGA GOV‘T BUILDING, INFRASTRUCTURE INSPEKSIYUNIN

Gina Pleñago / June Simon
Apr 24, 2019
1 min read

INATASAN ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MMDRRMC) na magsagawa ng inspeksiyon sa mga building at infrastructure na pag-aari ng gobyerno dahil sa Magnitude 6.1 tectonic earthquake na tumama sa Luzon, kamakalawa ng hapon.

Sa memorandum ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, concurrent head ng MMDRRMC, inatasan nito ang mga miyembro ng naturang tanggapan at local disaster risk reduction and management councils na magsagawa ng inspection sa lahat ng government structures sa buong Metro Manila.

Samantala, nagbabala naman ang Manila International Airport Authority (MIAA) na huwag samantalahin ng airline companies ang lindol na tumama noong Lunes sa Luzon para magdeklara ng kanselasyon o delay sa flight.

Ito ay makaraang makarating sa MIAA na may isang airline ang nagkansela ng domestic flights palabas at papasok ng Maynila.

Pinaalalahanan ni MIAA General Manager Ed Monreal ang mga airline na bigyan ng convenience ang mga pasahero at huwag pahirapan na magreresulta sa pagkasira ng travel plan ng mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page