Maging handa at alerto laban sa terorismo
- BULGAR
- Apr 24, 2019
- 1 min read

HABANG hinaharap natin ang mga epekto ng magkasunod na lindol, nais din ng mga awtoridad na maging alerto sa iba pang banta sa ating kaligtasan.
Hinikayat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko na maging mas mapagmatyag sa kapaligiran.
Matatandaang, magkakahiwalay na pagpapasabog ang naganap sa Sri Lanka na ikinasawi ng halos 300 katao at ikinasugat ng higit 400.
Kaugnay nito, may mga hakbangin at paghahanda ang pulisya sa mga insidente ng pag-atake ng mga terorista.
Ito rin ang ipinapayo sa lahat, ang maging alerto at kung may kahina-hinalang bagay o indibidwal, agad itong ipagbigay-alam sa mga awtoridad.
Bagama’t, may mga hakbang na ginagawa ang mga awtoridad upang maging ligtas at handa ang bansa sa anumang pag-atake, makatutulong din kung ang bawat isa ay magdodoble-ingat.
Higit sa lahat, sa gitna ng anumang sitwasyon, dasal ang kailangan.
תגובות