top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Lalaki ginulpi ng mag-utol, dedbol

Levi Gonzales
Apr 24, 2019
1 min read

PUSPUSAN ang pagtugis sa mag-utol matapos nilang pagtulungang patayin ang isang magsasaka sa Bgy. Binahian B, Lopez, Quezon.

Pasado alas-6:00 ng gabi, kagagaling lamang sa kanyang taniman ang biktimang si Celso Manalo, 60, nang abangan ito ng mga suspek na sina Nickson at Evelyn Utalla, kapwa naninirahan sa nasabing lugar.

Pagkakita sa biktima, agad nilang ginulpi saka hinataw ng matigas na bagay sa iba’t ibang parte ng katawan bago nagsitakas.

Mabilis siyang isinugod sa ospital ng mga nakakita sa lugar subalit, binawian din ito ng buhay.

Sinasabing dati nang may alitan ang biktima sa pamilya ng mga suspek at posibleng ginantihan lamang ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page