HOROSCOPE | ABRIL 24, 2019 (Miyerkules)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 24, 2019 (Miyerkules): Gamitin mo ang katotohanang likas kang masuwerte para sa iyong sarili at kung puwede ay huwag sa iba nang sa gayun ay hindi ka magsisisi sa huli.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang hawak mo na ang gustung-gusto mo. Ito ang isa sa mga susi ng tagumpay na kung ano ang ikinikilos ng katawan at sinasabi ng isip mo ay nagkakaroon ng kaganapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-20-24-38-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipadarama sa iyo ng langit na ang mga kabutihang ipinakita mo sa iyong kapwa ay may katumbas na biyaya at pagpapala. Huwag kang magbabago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-20-24-39-45.
GEMINI (May 21- June 20) - Magkunwari kang mahina ngayon. Gawin mo ito nang sa gayun ay aakalain ng iyong mga karibal at kakumpitensiya na talo ka na. Ito ang paraan para mawala ang pagtutok nila sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-8-13-29-35-37.
CANCER (June 21- July 22) - Balikan mo ang iyong mga nakaraan. Ngayon ang tamang panahon para ang tao ay magmuni-muni tungkol sa kalagayan ng kanyang sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-24-27-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang nag-aakala na maliit at mahina ka. Ang mga kaganapan ng mga pangyayari ngayon at sa darating pang mga araw ang magsasabi sa kanila na sila ay natalo mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-16-17-20-28-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinuhusgahan kung sino ang panalo at talo sa huli, hindi sa unahan o kalagitnaan ng laro ng buhay. Tawanan mo nang lihim ang mga nag-aakalang hindi ka na makababangon pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-19-22-29-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipakita mo ang iyong ganda. Ipakita mo ang galing mo at huwag na huwag mong kaliligtaang ipakita na hindi ka mahina dahil ang totoo, mas malakas ka kaysa sa pangkaraniwan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-14-21-24-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit mo papansinin ang mga taong kung anu-ano ang sinasabi sa iyo? Hindi ka nabubuhay para sa kanila. Wala kang dapat ipaliwanag sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-13-16-30-31-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mahalaga kung mataas o mahirap akyatin ang bundok ng tagumpay. Ang pinag-uusapan ay kung desidido ka at handa sa lahat ng bagay? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-9-11-16-19-20.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang akala mong hindi mo kakayanin. Dahil akala mo lang, tiyak na makakaya mo ito, kaya mula ngayon, kayanin mo ang lahat ng akala mong hindi mo kaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-15-24-27-34-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Ang nakamamanghang katotohanan ay nagsasabing, hindi ka isinilang para sa mga gawaing mahirap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-21-24-26-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kaawa-awa ang taong walang ambisyon, gayundin, ang nagkukunwaring hindi ambisyosa at ambisyoso. Dahil dito sa mundo, ang walang ambisyon ay walang mararating. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-13-17-22-25.




Comments