Coco, inagaw daw kay Julia… YASSI, TINATAKAN NA BILANG KONTRABIDA, ANACONDA AT BF SNATCHER
- BULGAR
- Apr 24, 2019
- 1 min read

SA gustuhin man o hindi ni Yassi Pressman, tiyak na kontrabida ang tingin sa kanya ngayon ng mga fans ni Julia Montes na rumored GF ni Coco Martin, lalo na’t kumalat sa social media ang post na picture nila ni Coco nang magbakasyon sa Japan ang ilang cast ng Ang Probinsyano.
Nilagyan na ng malisya ng mga netizens ang sweetness nila ni Coco. Kaya tiyak, hindi makakaligtas si Yassi sa mga bashers at ang simpatya ng publiko ay mapupunta kay Julia Montes.
Okey lang kaya kay Yassi Pressman na maakusahan na “boyfriend snatcher” at “anaconda”? Mas nauna kasi si Julia sa buhay ni Coco.
Comments