6 sundalo hinagisan ng bomba, todas

PATAY ang anim na sundalo habang siyam ang sugatan nang masabugan ng Improvised Explosive Device (IED) na inihagis sa kanila ng mga nakasagupang New People’s Army (NPA) sa Calbiga, Samar, kahapon.
Ayon kay Major General Noel Clement, alas-2:45 ng madaling-araw nang sumiklab ang engkuwentro sa lugar.
Nasa liblib na lugar ng Bgy. Biri ang mga tropa mula sa 46th Infantry Battalion-Philippine Army na pinamumunuan ni Army Sgt. Gilbert Benito para magsagawa ng community support program nang hagisan sila ng ilang piraso ng IED at pinagbabaril ng mga rebelde hanggang sa sumabog ang isa sa mga bomba.
Nasawi sina Corporal Edgar Abing, Private First Class (PFC) Arthur Garcia, PFC. Rufino Paster, Jr., PFC. Danilo Constantino, Jr., Private Elben Lagrimas at Corporal Junurimbran Mamalo, Jr. Sugatan naman sina Sergeant Benito, PFC. Magoncia, PFC. Friguillana, Cpl. Vigilla, PFC. Salonga Private Español at tatlong iba pa.





Comments