5 bebot timbog sa droga

ARESTADO ang limang babae kabilang ang isang hinihinalang tulak na target ng buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Caloocan City Police Chief P/Col. Restituto Arcangel, alas-11:30 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra kay Cielo Jacinto alyas Shella, 40, sa Bgy. 28.
Matapos iabot ni Jacinto ang sachet ng shabu kay Pat. Mark Teody Diel na nagpanggap na buyer kapalit ng P200 marked money, agad inaresto ang suspek.
Timbog din sina Diana Ignacio, 22; Celeste Grace Gutierrez, 41; Microse Cañezo, 31, at Edryl Gelli Sadile, 21, matapos maaktuhang nagsa-shabu. Ani SDEU Investigator PCpl. Donn Herrera, nakumpiska sa mga suspek ang buy-bust money at ilang drug paraphernalias.





Comments