Tulak dedbol sa shootout
Pabs Hernandez III
Apr 23, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Bucot, Aliaga sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Goodvile Cabanes, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Cabanes, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments