Sri Lanka binomba, mahigit 200 patay | ALERTO TAYO — PNP

NAKAALERTO ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa posibleng pag-atake ng mga teroristang grupo sa bansa.
Ayon kay NCRPO Director General Guillermo Eleazar, kasunod ito ng serye ng mga pag-atake nang pambobomba sa Sri Lanka na ikinasawi ng mahigit sa 200 katao at pagkasugat naman ng 450 indibidwal.
Layunin ng pahayag na masiguro ang kahandaan ng pulisya kung saan sunud-sunod ang simulation activities na isinagawa nila nitong mga nakaraang linggo.
Kaugnay nito, nanawagan si General Eleazar sa publiko na maging mapagmatyag at maging alerto sa kapaligiran at agad i-report sa mga awtoridad kung may mga kahina-hinalang tao sa kanilang lugar upang agaran itong magawan ng aksiyon.





Comments