top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sa mga ayaw tumandang uugud-ugod diyan, read n‘yo ‘to! GREEN TEA, NAKAPE-PREVENT NG OSTEOPOROSIS!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 23, 2019
2 min read

KILALA ang green tea na naka­tutulong sa ating digestive sys­tem kung saan kapag nagkaroon tayo ng impatso, kaya ni­tong mapagaling ang su­masakit na­ting tiyan.

Mabisa rin itong pampapayat dahil kaya nitong i-boost ang metabollic rate sa maikling pana­hon. Pero, knows ba ninyo na bukod sa mga ito, eh, kaya rin nitong i-prevent ang osteopo­rosis? Wow, amazing!

Ang osteoporosis ang pinaka-common na bone disease na talaga namang masakit. Ito ay dahil pina­hihina nito ang mga buto na maaaring mauwi sa fractures at breakages.

Gayunman, ang kaba­baihan ang mas madalas na nagkakaroon ng ganitong sakit kumpara sa kalala­ki­han sa kadahilanang mas magaan at maliit ang ka­nilang mga buto kung saan mas mahaba rin ang ka­nilang buhay.

Sa pag-aaral, sina­sabing maraming bene­pisyo ang kayang makuha sa pag-inom ng green tea kung saan tinagurian itong herbal drink na nagko­kontamina ng kemikal na nakai-stimulate sa bone growth.

Dagdag pa rito, keri rin itong panlaban sa kan­ser, diabetes, cardiovacu­lar disease, infection at marami pang iba.

Samantala, nai-im­prove rin ng green tea ang brain function, gayundin ang dental health at phy­sical performance.

Ngunit, tulad ng ibang herbal medicine, for sure, hindi magugustuhan ng karamihan ang lasa ng green tea, kaya naman kung desidido kang inumin ito, maaari mo itong halu­an ng honey o kaya ay flaxseed oil na nakapag­bibigay ng dagdag na tu­long upang maiwasan ang pagkakaroon ng osteopo­rosis dahil mayroon itong fatty acids na nagdudulot ng positive effect sa bone density.

Kaya kung natatakot kayong maging uugud-ugod sa paglipas ng pa­nahon, make sure na iinom kayo ng green tea kahit once a week o kung ano ang inyong trip.

Have a healthy bones, mga beshy!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page