Problemado sa pera, mister nagbigti

ISANG mister ang nasawi matapos umanong magbigti sa puno sa Bgy. Rizal, Lipa City, Batangas.
Pasado alas-5:00 ng madaling-araw nang madiskubre ng kanyang misis ang wala nang buhay na si Miguel Leynes, Jr., 43, driver.
Gumamit ito ng lubid kung saan ipinulupot sa kanyang leeg saka itinali sa puno.
Ayon pa rito, nagtangka ring magpakamatay ng biktima kamakailan lamang at napigilan siya nito.
Matinding depresyon ang umano’y dinaranas nito sanhi ng pangangailangan sa pera. Kumbinsido naman ang mga awtoridad na walang foul play sa insidente.





Comments