Opisyal ng BIFF tepok sa engkuwentro
- Pabs Hernandez III
- Apr 23, 2019
- 1 min read
NORTH COTABATO—Isang mataas na opisyal ng Bangsamo Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga rebeldeng Muslim, kamakalawa sa Bgy. Olandang, Midsayap sa lalawigang ito.
Ang napatay ay si Mando Mamalompong, isa sa opisyal ng BIFF na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na nagpapatrulya ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) nang makasalubong ang grupo ni Mamalompong at dito na naganap ang engkuwentro na ikinamatay ng suspek.
Patuloy pang tinutugis ngayon ng tropa ng pamahalaan ang iba pang BIFF na tumakas matapos mapatay si Mamalompong.





Comments