Mga multi-bilyunaryo, puwede nang bumiyahe sa moon

NAKARATING sa atmosphere ang unang commercial flight ng SpaceX.
Puwede nang bumiyahe patungo sa moon ang mga multi-bilyunaryo!
◘◘◘
MAGKIKITA sa ikatlong pagkakataon sina Kim Jong Un at Donald Trump.
Aayusin nila ang gusot gamit ang “jack-en-poy”!
◘◘◘
IBINISTO ng Malacañang ang “Oust Duterte Movement”.
He- he-he!
◘◘◘
MARAMI nang kandidato ang nagpa-panic.
Ingat, baka ma-stroke o atakihin kayo sa puso!
◘◘◘
HANGGANG ngayon, duda pa rin ang mga kandidato sa PCOS machine.
Marami pa rin nararaket ang mga sindikato na gamit ang “Comelec”!
◘◘◘
MAHIGIT sa 200 katao ang namatay sa serye ng pambobomba sa Sri Lanka.
Nanangkupooo!
◘◘◘
ISASARADO ang ilang website at fake account sa Sri Lanka para maiwasan ang “disinformation drive.
Malaki ang tama nila!
◘◘◘
HINDI reliable ang social media dahil sa sangkatutak na tsismis at pekeng impormasyon.
Balik ang lahat sa pundasyon ng pamamahayag (journalism): Print media!





Comments