Kelot tinodas ng katoma
- Maeng Santos
- Apr 23, 2019
- 1 min read

DEDO ang 42-anyos na lalaki matapos saksakin ng 60-anyos na kapitbahay makaraan ang pagtatalo habang nag-iinuman noong Easter Sunday sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. David Nicolas Poklay, alas-7:30 ng gabi, nag-iinuman ang biktimang si Gerry Obur Membrano, 42, at suspek na si Manuel Aniban Magbutay, 60, sa harap ng kanyang bahay sa Canumay West, kasama ang kanilang kapitbahay at ilang kaibigan.
Sa kasarapan ng tagayan, biglang nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek na naging dahilan upang awatin ang mga ito ng kanilang kainuman.
Gayunman, bumunot ng fan knife si Magbutay at tinarakan sa kaliwang bahagi ng katawan si Membrano bago tumakas habang isinugod naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa pinakamalapit na pagamutan subalit, hindi na rin ito umabot nang buhay.
Nasakote naman ang suspek sa follow-up operation ng mga tauhan ng Valenzuela Police Station Investigation Unit (SID) sa pangunguna ni P/Maj. Jose Romeo Hizon.





Comments