Huwag daw kayong makipagsosyalan ngayong taon... KAALAMAN KUNG PAANO MAKAIIWAS ANG UNGGOY SA PAGKALU



NGAYONG 2019, may panganib na makaligtaan ng Unggoy ang mga bagay na may kaugnayan sa pamilya at relasyon, kung mangyayari ‘yun, medyo magkakaroon ng bahagyang problema sa nasabing larangan.
Kaya kung ikaw ay Unggoy, ngayong 2019, anumang proyekto ang iyong mapagkaabalahan, maaaring sa lipunan, negosyo, paglalakbay o kung saan ka man mapadpad upang mapanatiling buo at matatag ang pamilya at ang pakikipagrelasyon sa iyong minamahal, mas mainam kung palagi mo silang alalahanin at bibigyang-halaga sa bawat sandali ng iyong buhay.
Dagdag pa rito, sinasabing kung palagi mong bibigyang-halaga ang iyong pamilya at ang mga taong nagmamahal sa iyo at minamahal mo, sila rin ang aalalay, susuporta o tutulong sa iyo ngayong Taon ng mga Baboy, gayundin, sila ang magtutulak sa iyo upang lalo mong mapalago at mapaunlad ang aspetong career at pangkabuhayan.
Tunay ngang sa tulong nila, maraming pagkilala sa lipunan ang iyong matatanggap ngayong 2019. Kailangang-kailangan ng Unggoy ang suporta at alalay ng kanyang pamilya dahil maaari siyang masuong sa mga kontrobersiya at intriga.
Kaya nga sa panahong maraming mga lihim at lantarang naiinggit at naninira sa Unggoy, ang pamilya at mga mahal niya sa buhay ang siguradong aalalay, dedepensa at magtatanggol sa kanya.
Sa aspetong pampinansiyal, sinasabing malalaki at biglaang kita ang mahahawakan ng Unggoy, ang problema lang, may tendency na malibang ang Unggoy sa maraming mga gawain at sa tagumpay na kanyang matatamo at ang posibleng mangyari, habang siya ay nalilibang sa tagumpay, ‘yung mga pinagkakautangan niya ay posibleng hindi na niya mapansin o mabigyan ng sapat na atensiyon, kaya sa bandang huli, makikita na lamang ng Unggoy na ‘yung mga dati niyang utang ay lumalaki na ang interest at tubo habang ang mga taong nakaligtaan niyang bayaran ay sunud-sunod at biglaang maniningil sa kanya.
Kaya kahit sabihin pang sumagana at umunlad ang kabuhayan ng Unggoy, kung magiging pabaya siya sa mga pinagkakautangan niya, sa halip, na kasaganahan ay maaaring legal battle o suliraning panghukuman ang masadlakan ng Unggoy ngayong taon.
Sinasabi ring hindi dapat makipagsosyalan ang Unggoy ngayong Taon ng mga Baboy upang hindi siya masuong sa panganib at pagkalugi. Gayundin, kapag nakipagsosyo ang Unggoy, maaaring makatampuhan at makagalit niya ang kanyang magiging kasosyo.
Kaya ang pinakamaganda, kung sakali mang magbubukas ng bagong negosyo o pagkakakitaan ang Unggoy, mas mainam kung sarili niyang produkto, kalakal at diskarte ang gagamitin upang kapag tumubo ng malaking halaga, mas matitiyak na magkakaroon siya ng mas marami at masaganang pakinabang ngayong 2019.
(Itutuloy)




Comments