top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Chaching ni: John Rey Seminiano Reonico

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 23, 2019
  • 1 min read

Lumakad ka ng iyong makita,

mga pag-asa ng bayan na napapariwara, imbes na lapis ang hawak, iilang piraso ng madungis na pilak.

Lumabas ka ng iyong masilayan, ang mumunti mong kababayan, imbes na pumasok sa paaralan,

ang tinamo’y sa pampublikong sasakyan.

Hindi ko lubos-maisip,

na ang kahirapan ay parang hanging umiihip,

na ang sariling mamamayan ay nanlilimos sa sarili nilang bayan.

Kaya’t ako’y nanawagan,

na ang problemang ito ay maagapan,

dahil kung kayo’y tunay na maglilingkod,

wala nang batang mamumulubi sa sarili nilang lungsod.

Dahil hindi dumi ang papatay sa‘yo, hindi ang kahirapan mo, hindi ang kamang-mangan mo

kundi ang mga muta sa mata na siyang pumipigil sa iyong paglaya.

Silang madalas na husgahan,

malimit pagkatiwalaan,

imbes na droga’t kasamaan,

turuan natin silang sumulat at bumasa,

sa ating patuloy na pagsasawalambahala,

tayo mismo ang pumapatay sa sarili nating pag-asa.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page