CALOOCAN AT VALENZUELA, NAGPASUKO SA CBA


SUMANDAL ang Caloocan City sa isa muling eksplosibong laro ni Darwin Lunor upang pabagsakin ang Bulacan, 100-93, sa overtime at pinatatag ang tsansa sa Community Basketball Association (CBA) Founders’ Cup North Division basketball tournament sa Thoa Wild Center Gymnasium sa Valenzuela noong Abril 14.
Nagparamdam ng lakas si Lunor sa bisa ng 24 puntos at 15 rebounds para sa Saints, na patunay na kaya nilang harapin ang matinding tensiyon upang gapiin ang Braves at umangat sa 3-1 win-loss.
Tatlong players pa ang umiskor ng dobleng pigura para sa Saints ni coach Jino Manansala. Naging topscorer si Neljun Salda sa 18 puntos ng Bulacan na iniwan ang San Juan sa liderato ng dalawang beses nang matalo sa 7 laban.
Sa iba pang laban, ‘di pinaporma ng Valenzuela ang Quezon City, 115-111, salamat sa nagawang 33-point explosion ni Jaymar Gimpayan para sa 3-2 record.
Si Gimpayan ang sumaklolo sa go-ahead basket sa nalalabing 51 segundo at dalawang free throws na sumelyo sa panalo ng Valenzuela.
May 9 rebound si Gimpayan, one assist at 1 block. Dumagdag si Floyd Dedicatoria ng 18 points, 7 rebounds, one assist, at one block para sa Valenzuela. Namuno si Joco Tayongtong sa Quezon City sa bisa ng 30 points, 4 rebounds, 7 assists at 2 steals. Dumagdag si Alwin Alday ng 28 points, six rebounds, at 4 assists. Si Mon Mabayo ay may 22 points at 15 rebounds habang si PJ Barua ay may 21 points, 6 rebounds at 4 assists para sa Capitals. (MC)





Comments