top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bangkay ng 11-anyos, lumutang sa Delpan Bridge

Mylene Alfonso
Apr 23, 2019
1 min read

LUMUTANG matapos ang may tatlong araw sa tubig ng Delpan Bridge ang bangkay ng isang batang lalaki noong kinaumagahan ng Biyernes Santo sa Binondo, Manila.

Nabatid na mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nakasagip sa katawan ng biktimang si Najeb Radiamoda, 11, residente ng Carlos Palanca Street, San Miguel, Manila, alas-6:00 ng umaga.

Batay sa ulat, unang iniulat na nawawalan ng kanyang mga kaanak noong Abril 18 ang biktima na kasama ang mga kaibigan nang magpunta malapit sa McArthur Bridge sa Pasig River noong tanghali ng Huwebes Santo.

Gayunman, nang lumangoy ay hindi na umahon ang bata.

Agad humingi ng tulong sa Coast Guard Station (CGS) Pasig ang mga tauhan ng Lawton Police Station matapos malamang nalunod ang bata.

Sa isinagawang search and rescue operations ay namataan ang bangkay ng bata sa Delpan Bridge, kinabukasan.

Itinurnover naman ang kaso sa Manila Police District-Homicide Section at sila na ang makikipag-ugnayan sa pamilya ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page