5 pasahero sugatan sa aksidente
BENGUET—Limang pasahero ang sugatan nang aksidenteng bumaligtad ang sinaksakyan nilang pampasaherong jeep, kamakalawa sa Kennon Road, Benguet sa lalawigang ito.
Sa kasalukuyan ay kinikilala pa ang mga biktima na ginagamot sa Rosario Emergency Hospital.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Magellan Walsi kaya bumaligtad ang jeep at nasugatan ang mga biktima.
Inihahanda na ngayon ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury laban kay Walsi.





Comments