19 katao timbog sa droga

LABING-SIYAM na hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. David Nicolas Poklay, alas-4:15 ng madaling-araw nang maaresto ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan, Jr. sina Rosalina Tamondong, Billy Joe Morata at Jay-Ar Antipolo matapos magbenta ng sachet ng shabu sa police poseur-buyer kapalit ng P200 marked money sa Gen. T. De Leon Road.
Narekober sa mga suspek ang 10 sachets ng shabu, buy-bust money at ilang piraso ng drug paraphernalias.
Nasakote rin ng pulisya sina Jessie James Junio, Christopher dela Rosa, Leonardo Samonte, Jr., Audrey Brylle Bue at Nilo Carolino, Jr. matapos makuhanan ng tig-isang sachets ng shabu.
Alas-12:10 naman ng hatinggabi nang madakip din ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Maj. Jowilouie Bilaro sina Brian Joseph Herrera, Katrina Mae Rodil, Razel delos Santos, Darl Kent Fernandez at Rodrigo delos Santos sa drug-bust operation sa Bgy. Gen. T. De Leon.
Anim na sachets ng shabu, drug paraphernalias at buy-bust money ang nakumpiska sa mga suspek.
Timbog din si Reynaldo Roy, Ariel Geronimo, Mark Anthony Razon, Arien Anguring, Ronnel Danao, Christopher Diana, sa isang bahay sa Bgy. Gen. T. De Leon alas-4:00 ng madaling-araw, kasama ang 16-anyos na binatilyo na naaktuhang nagsa-shabu.
Nakuha sa mga suspek ang pitong sachets ng shabu, dalawang sachets na may bahid ng shabu, P300 marked money at ilang piraso ng drug paraphernalias.





Comments