top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Worried dahil 3 days nang may diarrhea

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Nag-reunion ang aming pamilya at sa rami ng handang pagkain ay napalakas ang kain ko sa mga pagkaing masarsa kaya nagtae ako, dahil marahil, nag­halu-halo na ang mga nakain ko. Ang prob­lema, mahigit 3 araw na ang nakali­lipas ay hindi pa rin humi­hinto ang aking pagtatae. Umiinom na­man ako ng mga gamot para rito, pero parang walang talab dahil hindi pa rin tumitigil. Naba­ba­hala na ako dahil dito, gusto kong mala­mang kung kailan nagiging delikado ang labis na pagdu­dumi? — Zain

Sagot

Ayon sa eksperto, hanggang tatlong beses ang normal na bilang na pagdumi sa isang araw.

Maituturing na delikado ang pagdudumi kapag lumagpas ito sa tatlong beses kada araw at kapag likido na ang inilalabas na dumi.

Gayundin, kung ma­dalas o mahigit sa 3 beses kada araw, puwedeng ma-dehydrate dahil dito.

Dahil may mga pagka­kataong ang diarrhea o labis na pagdumi ay nauuwi sa dehydration, mahalaga ang pag-inom ng maraming tubig at iba pang likido.

Mainam na huwag munang uminom ng gamot na nakapipigil sa pagdumi tulad ng loperamide at antimotility, lalo na kung ang sanhi ng diarrhea ay bacteria.

Hindi rin ipinapayo ang pag-inom ng gamot kontra pagdumi kapag nakara­ranas ng blood dysentery o pagdudumi na may kasamang dugo at lagnat.

Ang pagtatae at pagkakaroon ng lagnat ay response ng katawan natin laban sa mga infection.

Itinuturing na “acute” ang diarrhea kapag tumagal ang kondisyon ng dalawang linggo habang “chronic” naman kapag lumagpas ng dalawang linggo.

Gayunman, pinag-iingat ang mga tao sa mga pagkaing mayaman sa protina at madaling masira tulad ng spaghetti, car­bonara at iba pang uri ng pasta, gayundin ang mga masarsang pagkain dahil madaling mapanis ang mga ‘yan kaya ipinapayo na kainin agad ang mga nabanggit matapos mailuto para hindi mapanis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page