Propesor sugatan sa 2 armado
NORTH COTABATO—Isang propesor ang sugatan nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Batulawan, Pikit sa lalawigang ito.
Ang biktimang ginagamot na sa ospital ay nakilalang si Dina Padua, nakatira sa bayan ng Arakan sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nakasakay sa kanyang Ford Escape si Padua nang sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Patuloy na ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa biktima.





Comments