Para sa mga lodi natin diyan na back-to-work... TIPS PARA SA MAAYOS NA PAGBABALIK SA TRABAHO

LONG weekend is over! Ibig sabihin, back-to-reality na tayo. Hu-hu-hu! For sure, may ilan pa riyan ang tinatamad bumalik sa trabaho, pero dahil wala kayong choice, papasok pa rin kayo. Agree? Ha-ha-ha! Don’t worry mga beshy dahil narito ang ilang tips para dehins kayo mahirapang bumalik sa trabaho:
1. RESUME YOUR ROUTINE. Para simulan ang iyong araw, mabuting mag-breakfast nang sa gayun ay magkaroon ka ng sapat na lakas para magawa ang iyong routine.
Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng enerhiya para isagawa ang tasks na dapat mong tapusin, gayundin, magiging productive ka at siguradong makababalik sa iyong work routine.
2. CREATE A TO-DO LIST. Dapat nagawa mo na ito bago ka magbakasyon, pero kung hindi mo nagawa, oks lang ‘yun dahil puwede mo itong gawin kaagad pagbalik mo sa trabaho.
Sa paggamit ng to-do list, malalaman mo ang mga bagay na dapat mong gawin at i-prioritize. Huwag mo ring kalimutang markahan ang mga bagay na natapos mo. Okie?
3. CLEAN YOUR WORK STATION. Kung hindi ka nakapagligpit sa iyong desk o work station bago ang bakasyon, make sure na sa pagbalik mo ay malilinis mo kaagad ang area na ito.
Sa ganitong paraan, mas makapagpo-focus ka sa iyong trabaho dahil walang nakakalat sa iyong harapan. Tandaan, ang malinis na paligid ay nakapagbibigay ng positibong enerhiya sa pagtatrabaho.
4. CHECK YOUR WORK CALENDAR. Hindi para tingnan ang susunod na holiday, besh, kundi para i-check ang iyong mga responsibilidad. He-he-he!
Gayundin, magandang pagkakataon ito para mag-evaluate ng mga gawain at appointment na dapat mong pagtuunan ng pansin. Copy?
5. STAY HYDRATED. Sey ng experts, ang unang araw ang pinakamahirap na parte sa pagbalik sa trabaho mula sa bakasyon dahil for sure, pagod o may hangover ka pa.
Gayunman, manatiling hydrated nang sa gayun ay mabawasan ang pagiging feeling tired ninyo. Kung hindi ninyo bet ang tubig, eh, oks din ‘yung flavored water, basta ang importante, eh, nag-i-intake kayo ng fluid. Gets mo?
6. TAKE BREAKS DURING THE DAY. Hindi porke kailangan ninyong bumalik sa trabaho, eh, buong araw kayong magpapaka-busy. Besh, huwag mong kalimutang mag-break nang sa gayun ay ma-refresh nang paunti-unti ang iyong isipan.
Nakatutulong ito para makapagtrabaho at makapag-function ka nang tama buong araw.
Mga besh, sana ay makatulong ang ilang tips na ito sa pagbalik ninyo sa trabaho dahil work mode is real. Make sure na wala kayong makalilimutang gawin sa mga ito, ha?
Have a happy and productive Monday, mga ka-BULGAR!
Copy?





Comments