top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MY JOPAY, NAGHARI SA 3-YR OLD FILLIES

  • Ding Taboy
  • Apr 22, 2019
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

MARAMI ang ginulat ng kabayong My Jopay nang pagwagian nito ang katatapos lang na 2019 PHILRACOM “3 Year Old Local Fillies and Colts” na ginanap sa Santa Ana Park, Naic, Cavite kahapon.

Ang My Jopay ay niren­dahan ni jockey RD Raquel Jr. na naorasan sa bilis na 1:40 sa distansiyang 1,600 meters.

Binigo ni My Jopay ang kalaban na pumangalawang The Accountant at puma­ngatlong ang PeterSaints at dumating na pang-apat ang Gil’s Magic.

Sa umpisa pa lang ng laban, kinuha ang unahan ng My Jopay na napabayaan nang makalayo sa mga ka­laban hanggang kunin ang titulo sa pamamagitan ng banderang tapos.

Tumanggap ng hala­gang P225,000 ang 2nd place na The Accountant at pu­mangatlo ang mananakbong si PeterSaints na tumanggap ng P125,000. Napunta ang P50,000 sa pumang-apat na Gil’s Magic. Nakamit ni MB Villa­señor ang breeder of the year sa pagkakapanalo ng My Jopay.

Umalis na pang lima ang Lakan Takhan at kulelat ang Westeros sa umpisa pa lang ng karera na agad kinuha ang unahan ng My Jopay.

Pagsapit sa huling likuan naniguro ang hineteng si jockey RD. Raquel Jr. at hindi na pinabayaan ang pangunguna hanggang sa finish line.

Nagwagi ang Talitha Koum sa katatapos ng NPJAI-PCSO Cup race nang biguin ang Sooner Time at Señor Lucas sa 1,300 meters na karera.

Itinanghal na kampeon ang Dragon Butterfly sa katatapos na NPJAI-Phil­racom Cup Race nang bi­guin sa pangalawa si Jun Tailor at pang-apat ang Manila Boy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page