top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga nasa likod at nagpapakalat para pabagsakin ang Pamilya Duterte, tukoy na | “Bikoy” video, lagot

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 22, 2019
  • 3 min read

KUNG sakaling hindi pa ninyo napanood, mayroong kumalat na video sa social media nitong mga nakaraang linggo, ito ang video ni “Bikoy” kung saan grabe ang mga kasinunga­lingan nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito.

Naglabas ng dokumento (tara record) kung saan nakatala kung magkano ang pondo buwan-buwan para sa bawat “principal” ng iligal na droga.

Gayundin, alam umano nito ang mga tran­saksiyon mula noong 2010-2018 dahil dati umano itong miyembro ng sindikato ng iligal na droga na nag-o-operate sa southern Luzon at Visayas.

Idinamay nito ang pamilya ni Pangulong Duterte, partikular si Presidential Son Paolo “Pulong” Duterte, tinawag nitong bigtime ope­rator si “Pulong”, ito umano ang nakatatang­gap ng pinakamalaking share, samantala, kung mapapansin ang mga petsa na idineposito ang mga ito ay mga araw na sarado ang mga bangko dahil holiday. Mag-iimbento na nga lang, engot pa!

Gayundin, si ex-SAP Christopher “Bong” Go raw ay may tattoo na dragon sa kanyang likod na ang ibig sabihin ay sangkot din umano ito sa sindikato ng mga Chinese illegal drug pus­her, eh, nagpatawag ng press conference si “Bong” Go, tinanggal ang t-shirt niya sa harap ng media, pero walang nakitang kahit maliit na tattoo!

Lahat ng mga paratang ay galing sa iisang tao na ang tawag sa sarili ay “Bikoy”, pero hindi nagpapakilala kung sino talaga siya.

Hindi naman pinansin ng madla ang video na ito dahil halatang gawa-gawa lang ito upang siraan si Pangulong Duterte para sa eleksiyon ngayong Mayo.

Kapag nasira si Pangulo Duterte, malamang, dawit ang mga kandidato niya sa pagka-se­nador ngayong eleksiyon.

Pero, pumutok ang butse ni P-Duterte dahil ayaw nitong idinadawit ang kanyang mga anak.

Nagalit siya nang idinawit ang dalagita niyang anak, sino ba namang ama ang hindi magagalit kapag inaalipusta ang anak?

Dahil dito, ipinatawag niya ang mga eks­perto sa tinatawag na cybercrime. Malinaw na lumabag sa Cyberlibel Law ang video ni “Bi­koy” na nagpaparatang at nagpapakalat ng mga kasinungalingan.

Hindi alam ng mga gunggong na nagpaka­lat ng “Bikoy” video na matindi ang teknolo­hiya para matunton ang mga taong nasa likod ng video na ini-upload sa social media. Ma­husay ang mga eksperto sa teknolohiya.

Nanggaling daw ang video sa website na metrobalita.net. Nagpapanggap ito na news website, pero halatang dilawan ang nagtayo nito para sa naglalayong ipakalat ang video ni “Bikoy”.

May mga advertisement ito para sa otso inodoro, este, otso diretso, ang tawag sa mga kandidatong pang-senador ng mga dilawan. Mayroon pang malaking advertisement na iboto raw ang otso diresto candidate na si Romy Macalintal, ang abogado ni Vice-President Leni Robredo.

Ang susunod na nagpakalat nito ay si Ellen Tordesillas, manunulat na kilalang galit kay Pa­ngulong Duterte at malapit naman kay Se­nador Antonio Trillanes IV, isa pang araw-araw na nagdarasal na mamatay ang pangulo.

Mula kay Tordesillas, ang mga nagpakalat ng video ni “Bikoy” ay ang kanyang VeraFiles, Philippine Center for Investigate Journalism at Rappler.

Ang tatlong “news websites” na ito ay pinopondohan ng mga grupong Amerikano na gusto ring pabagsakin si Pangulong Duterte.

Ang isa pang posibleng nagpakalat nito ay ang tinatawag na National Union of People’s Lawyers na hawak ng mga teroristang komu­nista.

Ang chairman nito ay si Neri Colmenares na siyam na taong naging representante sa Kon­greso ng komunistang grupong Bayan Muna.

Ang presidente nito ay si Edre Olalia na napakatagal nang abogado ni Jose Ma. Sison, ang nagtatag ng Partido Komunista noong 1968 at kahit masarap ang buhay sa Holandiya ay gumagabay pa rin sa mga komunista at halos araw-araw nananawagang pabagsakin si Pangulong Duterte.

‘Yan ang dapat makulong na mga nagpaka­lat ng mga kasinungalingan laban sa pangulo at pamilya niya. Huwag ninyong idamay ang pamilya ng kaaway ninyo, foul ‘yan kaya naman humanda kayo sa galit ni Pangulong Duterte!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page