top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAGING BF ANG CRUSH

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. October 10, 1999 ang birthday ko, may crush akong lalaki na classmate ko rin na tawagin na lang nating Melvin na may birth­day na February 16, 1999.

  2. Ang sabi sa akin ng kaibigan kong si Katlyn, crush daw ako ni Melvin, totoo ka­yang may gusto siya sa akin?

  3. May posibilidad kaya na siya na ang maging first boyfriend ko, sa edad ko kasing 19 ay hindi pa ako nag­kaka-boyfriend.

  4. Darating din kaya ang time na ka­ka­usapin niya ako ng personal at magiging kami? Madalas, nahu­huli ko siya na naka­tingin sa akin at palagi ko rin siyang nami-miss, lalo na kapag wa­lang pasok sa school. Sa palagay ninyo, Ma­estro, nami-miss din kaya niya ako?

KASAGUTAN

  1. Tama ang iyong sapantaha, Karen, si Mel­vin na nga ang unang magiging boyfriend mo kung saan ito ang nais sabihin ng maliit na hibla ng guhit na uma­ngat pataas mula sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ang nasabing mga guhit na paitaas mula sa Heart Line (arrow a.) ay tanda na kumbaga sa laro ng pag-ibig, wala kang lalaking gugus­tuhin o magiging crush na hindi magkakagusto sa iyo.

  3. Ang pag-aanali­sang likas na malakas ang inyong magnetismo at may kakaiba kang atraksiyon sa mga kala­lakihan ay madali na­mang kinumpirma ng birth date mong 10 o 1 (1+0=1). Dahil Sun ang ruling planet ng nume­rong 1, ang mga taong ipinanganak sa nasabing mga petsa ay sadyang kaibig-ibig talaga at ma­raming nagkaka­gusto sa kanila. Dagdag pa rito, sinasabi ring ma­dali kang magkaka-crush sa mga lalaki at madali ka rin naman ni­lang magu­gustuhan.

  4. Ang pag-aanali­sang may malakas at pambihira kang karisma na walang sinumang la­laking makatatanggi sa sandaling nalaman ni­lang crush mo sila ay dagdag pang pinagtibay at pinatunayan ng lagda mong may hugis-puso at may mga burloloy sa dulong bahagi kung saan bukod sa pisikal mong kagandahan, likas din na may malakas kang sex appeal hindi lang sa mga lalaki kundi pati na rin sa kapwa mo babae.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Karen, tiyak na ang magaganap, nga­yong Abril pinakama­ta­gal na sa Mayo, magi­ging boyfriend mo na si Melvin upang minsan pa ay tuluyan ng matu­pad ang malaon mo ng pinapangarap at hinihi­ling-hiling sa langit, ma­bubuo ang matimyas at nakakikilig na suyuan sa pagitan ng lalaking crush mo na hahantong sa ma­ligaya at panghabam­buhay ng relasyon (Dra­wing A. at B. h-h arrow b. at 1-M arrow c.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page