Mag-utol na 7 at 8 nalunod sa water reservoir, dedbol

NALUNOD ang magkapatid na paslit matapos mahulog sa isang water reservoir sa Cabugao, Ilocos Sur.
Ayon kay Police Captain Ramil Llarenas, kasama ng mga biktimang may edad 7 at 8 ang kanilang tatay na nagtungo sa reservoir sa Bgy. Aragan.
Paahon na umano ang mga bata ngunit, naputol ang tinapakan ng mga ito na pansamantalang hagdan kaya nahulog sa tubig ang dalawa.
Tinangka pa ng ama ng mga bata na iligtas ang mga paslit ngunit, hindi na nito kinayang sagipin ang dalawa mula sa reservoir na may lalim na 9 talampakan.
Ipinayo naman ng mga pulis sa mga opisyal ng barangay na maglagay ng babala na nagsasaad kung gaano kalalim ang tubig sa reservoir upang hindi na maulit ang insidente.





Comments