top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Hotels at Simbahan tinarget | 52 TODAS SA PAGSABOG SA SRI LANKA

Jersey Sanchez
Apr 22, 2019
1 min read

TODAS ang 52 katao sa Sri Lanka matapos ang pagsabog sa iba’t ibang high-end hotels at Simbahan.

Ayon sa awtoridad, 42 ang nasawi sa Colombo kung saan tatlong hotels at isang Simbahan ang pinasabog habang 10 ang patay sa bayan ng Batticaloa na pinaniniwalaang Simbahan ang target.

Gayundin, may naulat na pagsabog sa Simbahan sa hilagang bahagi ng Colombo.

Dahil dito, inaasahan pa ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi habang hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo sa pagpapasabog, gayundin ang responsable rito.

Samantala, ikinagulat ni President Maithripala Sirisena ang insidente at nagpaalala sa publiko na manatiling kalmado.

Nabatid na ang unang pagsabog ay nangyari sa St. Anthony’s Shrine sa St. Sebastian’s Church sa bayan ng Negombo at agad isinugod sa Colombo National Hospital ang mga nasugatan.

Matapos ang pagsabog, kinumpirma ng pulisya ang pagsabog sa tatlong hotels sa capital at Simbahan sa Batticaloa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page