top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

CRAWFORD, DINALE SI KHAN SA ‘LOW BLOW’ NG 6TH ROUND

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2019
1 min read

NAPANATILI pa rin ni American Terence Crawford ang kanyang WBO welterweight title kahapon nang pabagsakin si Amir Khan sa sixth round nang hindi na kayang mag­patuloy pa sa laban ng Briton dahil sa isang ‘accidental low blow.’

Nahigitan ng lakas ni Crawford si Khan sa lahat ng anggulo ng bakbakan hanggang sa 5th round, nang bumagsak sa huli ang Englishman sa lona dahil sa panghihilamos niya ng jabs, combinations at superior skill. Ginapi ng unbeaten WBO welterweight champion si Khan sa bisa ng technical knockout, pero hindi sa naka­kukumbinseng para­an.

Nanghina kasi si Khan makaraan ang aksidenteng ‘low blow’ sa kanya ni Craw­ford sa 6th round ng upakan. Sandaling natigil ang suntu­kan, dahil namilipit sa sakit ang dating British champion. Tiniis pa ni Khan ang sakit habang nakikipagbakbakan, pero kalaunan ay nagreklamo na rin siya sa kanyang trainer at ayaw na niyang ituloy ang laban.

Dito na napilitang itigil ng referee na si David Fields ang 12-round, 147-pound title fight. Naangkin muli ng 31-anyos na si Crawford ang WBO welterweight title na kanyang naagaw kay Jeff Horn noong Hunyo 9, 2018.

Nag-sorry si Khan sa kanyang fans sa Madison Square Garden sa New York. Siyam na ang panalo sa 11 laban ni Crawford sa bisa ng stoppage. Umibayo sa 35 wins at wala pang talo ang kartada ng three division world champion.

Para kay Khan, ang 2004 Olympic silver medalist, isa na naman itong naka­didismayang world title fight niya. May karta siyang 2-2 sa nakaraang apat na laban. Brutal siyang pina-knockout ng nakaraang tatlong taon ni Canelo Alvarez sa isang middleweight title fight. Bagsak ang record niya sa world title sa 6-4 overall. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page