top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Campaign promise ni P-Digong, mga drug lord papatayin; nang manalo, mga adik at pusher ang natodas,

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2019
2 min read

IMBES NA ITABOY, NAKI-JOIN PA ANG PHILIPPINE NAVY SA CHINA NAVY ANNIVERSARY—Noong Abril 16, 2019, nagpadala ang Philippine Navy (PN) ng kanilang barkong pandigma sa West Philippine Sea (South China Sea, ayon sa China).

Inakala ng sambaya­nang Pinoy na itataboy ng PN ang mga barkong pandigma ng China na nasa WPS, pero hindi dahil kaya pala nagpadala ng barkong pandigma ang Pilipinas sa WPS ay para lumahok sa China Navy founding anniversary, boom!

◘◘◘

SUNDALO, COAST GUARD AT PULIS, DINOBLE ANG SU­WELDO PARA “NGU­MANGA” LANG SA GINAGAWA NG CHI­NA SA WPS —Hang­gang ngayon, walang gina­gawang aksiyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at PNP-Maritime Group sa pananatili ng mga barkong pandigma ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas sa Pag-asa Island.

Sayang ang dobladong suweldong natatanggap nila mula sa buwis na ibina­bayad ng mga Pinoy dahil naka-”nganga” lang sila sa pananakop ng Chi­na sa WPS, mga buwisit!

◘◘◘

IMBES NA ANG MGA DRUG LORD ANG PATAYIN, MA­RA­LITANG ADIK AT PUSHER ANG ITINU­TUMBA—Sa kanyang speech sa PDP-Laban campaign rally sa Tugue­ga­rao City, sinabi ni P-Duter­te na may anim na drug lords daw sa Cagayan at ipapapatay daw niya ang mga ito.

Ganyan din ang campaign promise ni P-Du­ter­te noong 2016 Presidential Elections na ipapapa­tay daw niya lahat ng mga drug lord, pero ang masak­lap nang maupo sa poder, ang mga nabalitang napa­tay ay libu-libong marali­tang adik at pusher, pwe!

◘◘◘

SI P-DUTERTE NA MISMO ANG NAG­SA­BI, TALAMAK ANG ILI­GAL NA DROGA SA BATANGAS—Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Batangas City, sinabi ni P-Duterte na talamak daw ang kalaka­ran ng iligal na droga sa Batangas.

Kung ganu’n, totoo pala ang nakuha nating impormasyon na ang puwesto ng mga video karera ni “Rico” sa Batangas City ay drug den.

Oh, ano pa ang hini­hintay ninyo, Mayor Beverly Dimacuha at Lt. Col. Sancho Celedio? Aksiyon na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page