Broadcaster pinagsasaksak, patay

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ang kilalang radio broadcaster sa Bgy. New Society Village, Butuan, nitong Sabado de Gloria.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital sanhi ng ilang tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Francisco Patindol, komentarista at broadcaster ng local radio DXJM.
Batay sa report kay Police Capt. Emerson Alipit, nakikipag-usap si Patindol sa kanyang kasamahan sa labas ng isang copy center nang lapitan ng suspek na nakilalang si Ulating Macarampat Barapangcat alyas Ola Saransamen.
Sa hindi malamang kadahilanan, inundayan ng saksak ng suspek si Patindol.
Sinasabing lasing umano si Barangcat, na isang dispatcher sa lugar nang saksakin ang broadcaster.
Patuloy na tinutugis ang suspek habang inaalam pa kung ano ang motibo sa pagpatay kay Patindol.





Comments