Bebot na mabilis ma-fall, pero hindi sinasalo ng nagugustuhan

Dear Roma,
Ako si Jade, 19 years old. Ako ‘yung tipo ng babae na mabilis ma-fall. Sa tuwing may nakikilala akong lalaki na nagbibigay ng motibo, madalas naiisip ko, baka siya na talaga ‘yung para sa akin. Sa kaunting pambobola lang, nadadala kaagad ako, pakiramdam ko, siya na ‘yung the one para sa akin, ‘yung makakasama ko na habambuhay, in short, ‘yung forever ko. Tapos bigla na lang nila akong iiwanang mag-isa sa ere. Bakit ganu’n? Hindi naman ako pangit, pero, bakit palagi na lang akong iniiwan sa ere? Ano ang maipapayo ninyo sa aking buhay-pag-ibig? — Jade
Jade,
Sa edad mo, girl, normal lang ang maging mapusok. Ang hindi normal ay ‘yung hayaan mong diktahan ka ng pagiging mapusok mo. Huwag kang basta-bastang magpapadala sa emosyon mo kahit pa pakiramdam mo ay mahal mo na o may nararamdaman ka na para sa lalaki. Kung pakiramdam mong na-fall ka na kaagad, girl, hindi ‘yan love. Isa pa, huwag kang masyadong advance mag-isip, ikaw na rin naman ang nagsabi, masasaktan ka lang. Kung akala mong alam mo na ang lahat ng pinapangarap ng lalaking “mahal” mo, baka naman plano lang niya ang alam mo, pero hindi ang kabuuan ng mga pangarap niya. Kung akala mong alam mo na ang laman ng puso nila, baka naman kaunting laman lang ng isip nila ang alam mo. Bata ka pa at huwag kang magmadali sa pag-ibig. Darating din ‘yan nang kusa sa buhay mo sa pagkakataong hindi mo inaasahan. Hayaan mong patunayan sa iyo ng lalaki na siya ang nararapat para sa iyo. It takes time! Good luck!





Comments