top of page
Pokwang.jpg

After kina Piolo at Echo… YEN, GUSTONG TIKMAN SI JOHN LLOYD

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2019
3 min read

NAGBAGO ng desisyon si Yen Santos sa plano niyang mag-settle down at the age of 30. Dahil sa teleseryeng pinagbibidahan niya na Halik sa ABS-CBN, sobra siyang naapek­tuhan ng karakter niya sa pro­g­­rama bilang si Jackie.

“Sabi ko sa past interviews ko, sana, ‘yung susunod ko na boyfriend, ‘yun na ‘yung ‘the one.’ Kasi plano ko talaga, pagdating ko ng 30, mag-aasawa na ako. Pero dahil sa Halik, naapektuhan na. Parang nakakatakot nang mag-asawa,” paha­yag ni Yen sa presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng Halik sa Kapamilya Primetime Bida.

Feeling niya, pagdududahan na niya ang sarili gaya ni Jackie sa Halik na isang perfect wife.

“Mabait, hindi naman siya pangit, matalino, pero bakit nagagawa pa rin siyang ipagpalit? Like kunwari, ‘yung asawa niyang si Ace (Sam Milby), mahal naman niya, parang every time na magkasama sila, hindi mo mapapansin na may mali, pero sa ilalim pala noon, may ginagawa na pala siyang mali, ‘di ba? Nakaka-worry,” lahad pa niya.

Although, naniniwala naman si Yen na may kani-kanya namang istorya sa buhay ang bawat tao. At dasal niya, ‘wag mangyari sa kanya ang nangyari kay Jackie sa Halik.

Searching daw si Yen ng boyfriend sa ngayon. Hindi na raw siya magiging choosy, kaya okey lang sa kanya kung taga-showbiz man o hindi ‘yung susunod na boyfriend niya.

“Basta po kung ano ‘yung ibigay sa akin. Si­yem­­pre, ‘pag naramdaman mo na click kayo, alam mo na may koneksiyon kayo, ‘yun na ‘yun, eh.”

Willing din daw siyang i-give-up ang career if the guy decides to marry her.

“Opo, okey lang po ‘yun sa akin. But, love and career, mas okey po sa akin. Kaya naman ‘yun, balance lang talaga.”

Mukha namang kaya ni Yen. Ngayon pa ba niya igi-give-up ang pag-aartista kung kailan uma­alagwa na ang kanyang career?

After maging leading man si Piolo Pascual sa kanyang first movie at ang A1-actor na si Jericho Rosales sa top-rating drama series na Halik, siyempre ay mas inspired si Yen na mag-level-up pa ang kanyang career.

And guess who’s the next leading man na pangarap ni Yen na makatrabaho?

“Naku, pangarap ko talagang makatrabaho si John Lloyd Cruz. Parang naririnig ko na mag­babalik siya. Sabi ko nga, kahit kapatid lang niya, ano, sana. Sana, sana, matuloy na bumalik siya. At kung papalarin, siyempre, pangarap ko po siya na makatrabaho. Libre naman po ang mangarap, ‘di ba?” excited na sabi ni Yen.

Samantala, nag-trending topic sa socmed ang tungkol sa Darna at sa mga bidang babae ng Halik. Pasado raw sa kanila si Yam Concepcion na gumaganap bilang si Jade sa serye para mag-play na Valentina. At kung si Yam ang Valentina, si Yen naman ang Darna.

“Sabi ko, baka puwede ako na lang ‘yung bato? Hahaha! Ang laking bato!

“Ah, hindi po. Napakalaking responsibility po niyan, and I know, ibibigay ‘yun sa deserving na tao. And, para po sa akin, it’s not for me.”

Hindi raw siya ganu’n ka-confident para guma­nap bilang Darna.

“Unang-una, siyempre, ano ‘yun, sobrang pisikal po ‘yun. Walang Darnang lampa,” natatawa niyang paliwanag.

Pero inamin niya na gaya ng ibang bata, pinangarap din niya ang maging Darna.

“Parang may nakita nga akong article, parang last 2014, na tinanong ako kung ano ‘yung dream role ko, ang isinagot ko pala roon, maging Darna. But ngayon, ano na lang ‘yan, sobrang masarap pangarapin.”

Aba, you can never tell lalo pa’t maganda ang naging performance sa ratings ng Halik, huh?

“Ay! Hahaha! Wow!” sagot na lang ni Yen.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page