16-anyos todas sa riot
- Mylene Alfonso
- Apr 22, 2019
- 1 min read

PATAY ang 16-anyos na binatilyo sa isang rambol kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Manila.
Alas-11:55 ng umaga nang idineklarang patay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Leobel Rajemin, out-of-school youth ng Parola Compound, Binondo.
Tumakas naman ang suspek na si Mark Angelo Arbulada, 18, ng Parola Area, Tondo.
Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District-Station 2, alas-12:30 ng madaling-araw, nang mangyari ang riot sa Manila International Container Terminal (MICT) sa Gate 46, Area A, Parola Compound, Tondo.
Nabatid na malapitan umanong binaril sa ulo ang binatilyo na naging dahilan upang mahinto ang kaguluhan nang bumulagta ang duguang biktima.
Napag-alaman na malimit na magkaroon ng rambol sa lugar kapag nagkikita ang magkakalabang grupo mula sa Binondo at Tondo.





Comments