top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Shoutout sa mga nag-ala-manager diyan ng pamilya dahil sa gastusin… TIPS PARA MAKA-SURVIVE DAHIL BI

  • DONNABELLS
  • Apr 21, 2019
  • 1 min read

BACK-to-normal na ulit, mga besh, especially sa mga empleyado riyan. Ha-ha-ha! Ang tanong, may budget pa ba kayo? Kumusta ang mga bulsa ninyo? Iyak dahil wasak sa dami ng ginastos sa outing kasama ang pamilya. Pero, sabi nga ng iba, minsan lang ‘yan, ka­ya narito ang ilang tips para maka-survive sa bitin na budget:

1. AVOID ORDERING FOOD. Stop muna sa pag-o-order sa fastfood chain, besh! Kung keri, eh, magluto na lang muna kayo sa bahay ng inyong baba­uning breakfast, lunch at dinner. Mas tipid na, mas healthy pa!

2. HAVE LIMITATIONS. Matuto tayong limitahan ang ating sarili sa paggastos, kung wala na talagang budget, huwag ng ipilit na bumili pa ng mama­haling luho o pagkain, saka na lang kapag pay day na ulit. Copy?

3. PRIORITIZED. Bigyan ng prayoridad ang mga bagay na kailangan tulad ng pamasahe, pambili ng pagkain, gamot at marami pang iba. Isantabi muna ang pagbili ng milk tea, sosyal na kape, gayundin ang mga bagay na puwede namang ipagpaliban muna.

4. STOP BEING YOLO. Totoong magan­da rin na isinasabuhay ang pagiging YOLO (you only live once), pero kung bitin na ang budget mo, besh, puwede ring isabuhay ang pagiging responsable. Okay?

5. KEEP TIGHT. Kapit lang, mga besh! Minsan kung kina­ka­ilangan mag-adjust, gawin! Halim­bawa, kung ma­lapit lang na­man ang pu­puntahan mo, maglakad ka na lang kaysa sumakay ng jeep na 9 pesos ang pama­sahe. He-he-he! Gets mo?

Kaya sa mga beshy natin diyan na back-to-work na at bitin na ang budget dahil sa kagagastos nu’ng bakasyon, read n’yo ito at baka sakaling makatulong ito sa inyo.

Okidoki?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page