top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | ABRIL 21, 2019 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 21, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 21, 2019 (Linggo): Labanan mo ang katamaran na maaaring tumalo sa iyo dahil sa napakaraming suwerte na nagdaratingan sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka puwedeng malunod sa saya at ligaya. Sa araw na ito, ang kalaban mo ay saya at ligaya mismo. Magsaya ka, pero huwag mong kalimutan ang paghahan­da para sa iyong kinabu­kasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-24-38-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdu­da sa magandang plano sa iyo ng iyong bagong kakilala. Magtiwala ka dahil siya ay lihim na ipinadala sa iyo ng langit para makatulong sa pag-unlad ng buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-20-21-25-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Mabilis ang takbo ng mga pangyayari sa iyong harapan. Kapag ang pag-aalinlangan ay hindi mo inalis sa isip mo, maraming magagandang pagkaka­taon ang maaaring maka­lagpas sa iyo. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-24-28-35-42.

CANCER (June 21- July 22) - Nakatatayo ang tao kahit siya ay madapa dahil siya ay may mga paa at tuhod. Mabigo ka man o bumagsak, ang pagkakataong muling bumangon at magsimula ay palaging nasa sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-17-22-29-38-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pagtutok ang kailangan mo sa gusto mong mangyari sa iyong buhay. Kaya ang ibang bagay na walang kinalaman sa iyong gusto ay huwag mong bigyang-pansin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-20-28-31-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng lakas mula sa mga tao na alam mong hinding-hindi ka iiwanan kahit ano pa ang iyong maging kapalaran. Ito ang kaha­lagahan ng may mga malalapit na kaibigan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-21-27-36-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hayaang talu­nin ka ng sobrang pag­gastos. Ang buhay ay dapat na nakaplano at kapag wala sa plano ang partikular na bagay o aktibidad, hindi na dapat ito pahalagahan pa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-24-26-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papa­angat ang bu­hay ng tao na pinahahalagahan ang munting bagay na nasa kanya. Rito sa mundo, bumabagsak naman ang tao na hindi nagpapaha­laga sa hawak-hawak na niya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-15-20-26-46.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dob­leng-saya ang mapasa­saiyo sa pamamasyal. Bukod sa talagang sasaya ka, may mga bagong pagkakataong ibibigay sa iyo ang nasa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-14-27-38-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Talas ng pakiramdam ang pairalin mo. Madarama mo na may pagtingin sa iyo ang taong madalas mong kasama. Gayunman, talas ng isip ang mag­sasabi sa iyo kung paano mo siya mapa­kikinabang. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-9-10-13-18-24-29.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napansin mo ba ang maaliwalas na kalangitan? Ito ay nagtutulak sa iyo na huwag mo munang liparin ang iyong mga pangarap. Ibuka mo ang iyong mga pakpak para sa iyong kaliga­yahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-25-38-43-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nabubuo ang nasi­rang relasyon at nagi­ging mas matamis pa kaysa sa dati. Ito ang hiwaga ng pag-ibig na nasira nang dahil sa taong nakikialam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-14-15-27-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page