top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BIADO AT CHUA, NAKA-PODIUM SA WORLD POOL BILLIARDS

Eddie M. Paez Jr.
Apr 21, 2019
1 min read

PINATUNAYAN ng mga pambato ng Pilipinas na sina Carlo “The Black Tiger” Biado at Johann “Bad Koi” Gonzales Chua na hindi nawawala ang tikas ng mga Pinoy pagdating sa pagtumbok matapos nilang angkinin ang dalawang upuan sa podium ng 2019 World Pool Billiard Association (WPA) Players’ Championship na ginaganap sa palaruan ng Griff’s Billiards sa Las Vegas, Nevada. Tinapos ni Biado, hari ng 2017 World 9-Ball Championship, ang torneo sa kartadang limang panalo at isang talo para mahablot ang bridesmaid honors samantalang 4-1 na kartada naman ang naisumite ni Chua tungo sa pagiging pangatlo sa paligsahang nilahukan ng halos 100 bilyarista mula sa iba’t-ibang panig ng daigdig kabilang na ang mga premyadong cue artists na nasa top 20 ng pinakahuling WPA rankings.

Kasama sa hinugutan ng tagumpay ni Biado, kasalukuyang pangatlo sa pinakamalupit na manunumbok sa buong mundo base sa WPA rankings at 2018 World 9-Ball runner-up, sina Chang Yu-Lung noong semifinals (9-6), WPA no. 6 Shane Van Boening ng Amerika noong quarterfinals 7-4), Yang Ching-Shun sa final 16 na bakbakan (8-6), U.S.A ace Skyler Woodward sa round of 32 match-up (7-5) at Ruben Bautista Escalera sa unang salang sa main draw (7-3). Ang mga panalong ito ang nagtulak sa kanya papuntang finals kung saan nakipaghatawan siya nang husto laban sa Taiwanese ace na Cheng Yu-hsuan pero kinapos sa dulo, 11-12.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page