top of page

Ayoko sa langit — Digong | Byuti at seksi nasa impiyerno

  • Mylene Alfonso
  • Apr 21, 2019
  • 1 min read

KUNG papipiliin umano si Pangulong Rodrigo Duterte, mas gugustuhin nitong mapunta sa impiyerno kaysa sa langit.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Tuguegarao City, itinanong nito sa mga residente kung naniniwala sila sa konsepto ng langit at impiyerno.

Dagdag pa nito, sakaling totoo nga ang langit at impiyerno, mas gugustuhin niyang mapunta sa huli dahil sa mga sexy at magagandang babae.

“Oh, ngayon papiliin mo ako. Saan gusto kong pumunta? Sa impiyerno. Bakit? Tingnan mo kung sino ‘yang nasa langit. ‘Yung mga — ‘yung madre na may kasalanan wala na ‘yun kasi ginamit ng pari. ‘Yung mga mababait na tao,” paliwanag ng pangulo.

“Saan ang pinakamagandang babae dito sa Cagayan? Sa langit? Saan ‘yung magaganda riyan sa mga bar, sa karaoke, ‘yung magagandang katawan, magandang mukha, nasaan kaya sila? Nasa impiyerno,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page