Ayaw gumawa ng mali | TAKOT AKO SA KARMA — DIGONG

NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Duterte na naniniwala siya sa Panginoon at natatakot din siya sa karma.
Ayon kay P-Duterte, tanging ang mga istupidong tao lamang ang hindi naniniwala sa Diyos.
Ang pahayag ng pangulo ay kasunod na rin ng kanyang batikos sa mga pari at Simbahan maging ang mga aral nito sa gitna ng paggunita ng Holy Week sa Cagayan.
“’Wag kayong maniwala hindi ako — gago lang ang tao hindi maniwala ng Diyos,” ani P-Duterte.
“Hayaan na ninyo ako. Ipagbilin na lang ako ninyo sa Diyos. Bahala na ang Diyos sa akin. Ako naman, I assure you, I believe in God and takot ako sa karma,” dagdag pa ng pangulo.
Binigyang-diin pa ng presidente na ayaw niyang gumawa ng mali dahil nakaranas na umano siya ng karma ng dalawang beses.
“Kung ‘yang ginagawa ko maintindihan ng Panginoong Diyos, ah, okay lang. But ako, ayaw ko ‘yung to commit a wrong, ‘yung malice. Mahirap ‘yan. I have experienced karma twice over,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.
Matatandaang, ipinanganak si Pangulong Duterte bilang Katoliko ngunit, paulit-ulit nitong binabatikos ang mga taong-Simbahan sa kanyang mga talumpati kung saan inakusahan niya rin ang mga ito bilang mga babaero, nangmomolestiya ng mga kabataan at korup.
Binatikos din niya ang doktrina ng Simbahan at inamin na minolestiya rin siya ng pari noong kabataan niya.





Comments