top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ahas na iba't iba ang kulay

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 21, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Virgie ng Virgie_Casupang @facebook.com

Dear Professor,

Iba’t ibang kulay at malalaki ang mga ahas. ‘Yung ahas na pinakamalaki ay pinatay ng nakahubad na lalaki.

May kausap ako na nagbabago ang anyo na gusto akong bigyan ng karamdaman at may ahas na naka­pulupot sa sanga ng punongkahoy.

Naghihintay,

Virgie

Sa iyo Virgie,

Mayroon ka bang love life ngayon? Sabi ng panaginip ay wala, wala kang love life kaya wala ka ring sexlife.

Mayroon ka bang personal freedom ngayon? Sabi ng panaginip, wala kaya nakakulong ka sa mundo ng pag-iisa at malalim na kalungkutan.

Mayroon bang solusyon sa nasabing mga kalagayan? Sabi ng panaginip, mayroon, puwedeng-puwede kang lumigaya at mabuhay na masaya.

Mabuhay ka sa makabagong pana­naw dahil mahirap man tanggapin ang mga makalumang prinsipyo ito ay hadlang sa kaligayahan ng tao.

Sinisikil ng mga ito ang kalayaan at hinadlangan ang tao na sumaya sa saliw ng modernong musika.

Kaya ang payo ay nagsasabing, gumising ka sa katotohanan, idilat mo ang iyong mga mata sa makabagong mundo nang sa gayun ay makita mo ang mabuti at masama.

Muli, idilat mo ang iyong mga mata sa makabagong mundo na ang mabuti at masama ay dapat na pantay lang, kumbaga, bawat tao ay may karapatan na magpasya kung ano ang mabuti at masama.

Noon kasi, ang nagpapasya lang ay ang makalumang patakaran, kaya kapag ang tao ay naging malaya na sa mga lumang patakaran ng buhay, sila na mismo ang magpapasya para sa kanilang sarili.

Mahirap mang maunawaan ang panaginip, ito ay nagpapahiwatig na dapat ikaw ang magpasya para sa sarili mo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page