top of page

Karapatan ng anak sa mana ng kanyang mga magulang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 21, 2019
  • 3 min read

SA ating batas ay binibigyang-pansin ang karapatan ng anak na magmana sa kanyang mga magulang. Anuman ang estado nito, lehitimo man o hindi ay mayroon itong kaakibat na karapatan na magmana sa kanyang mga magulang. Ang sumusunod na probisyon ay ang mga angkop na basehan ng nabanggit na karapatan:

Art. 887. The following are compulsory heirs:

(1) Legitimate children and descendants, with respect to their legitimate parents and ascendants;

xxx xxx

(4) Acknowledged natural children, and natural children by legal fiction;

(5) Other illegitimate children referred to in Article 287.

Sa mga nabanggit na probisyon makikita na ang mga anak, anuman ang kanilang katayuan o estado ay pinagkakalooban ng batas ng karapatan bilang tagapagmana ng kanilang mga magulang sa sandaling sila ay binawian ng buhay. Ang karapatang magmana ng mga anak ay nangyayari lamang mula sa araw ng kamatayan ng kanilang mga magulang (Article 777, Civil Code of the Philippines).

Ang mana ng bawat anak ay magmu­mula sa kabuuan ng ari-arian ng namatay na magulang matapos mabayaran ang mga kaukulang gastos tulad ng buwis at bayad sa pagkakautang kung mayroong mga pagkakautang ang naiwang mga ari-arian na kabahagi ng mamanahin. Ang mana ng lehitimong anak ay kalahati ng mga ari-ariang maaaring ipamana ng namatay na magulang sang-ayon sa probisyon ng Article 888 ng Civil Code kung saan nakasaad na:

The legitime of legitimate children and descendants consists of one-half of the hereditary estate of the father and of the mother.

The latter may freely dispose of the remaining half, subject to the rights of illegitimate children and of the surviving spouse as hereinafter provided(Ibid.).

Makikita sa nabanggit na probisyon ng batas na kapag mayroong hindi lehitimong anak, ito ay may karapatan ding makatanggap ng mana mula sa kanyang mga magulang mula sa natitirang kalahati ng ari-arian ng namayapang magulang. Ang kabuuan ng mana ng hindi lehitimong anak ay kalahati ng mana ng lehitimong anak (Article 176, Family Code of the Philippines).

Kapag ang magulang naman ay hindi nais bigyan ng mana ang kanyang anak ay maaari niyang gawin ito nang naaayon sa nakasaad sa batas at babanggitin niya sa kanyang huling testamento ang mga dahilan kung bakit hindi niya binigyan ng mana ang anak na kanyang binabanggit sa ilalim ng Article 919 ng Civil Code of the Philippines kung saan nakasaad na:

Art. 919. The following shall be sufficient causes for the disinheritance of children and descendants, legitimate as well as illegitimate:

(1)When a child or descendant has been found guilty of an attempt against the life of the testator, his or her spouse, descendants, or ascendants;

(2) When a child or descendant has accused the testator of a crime for which the law prescribes imprisonment for six years or more, if the accusation has been found groundless;

(3) When a child or descendant has been convicted of adultery or concubinage with the spouse of the testator;

(4) When a child or descendant by fraud, violence, intimidation, or undue influence causes the testator to make a will or to change one already made;

(5) A refusal without justifiable cause to support the parent or ascendant who disinherits such child or descendant;

(6) Maltreatment of the testator by word or deed, by the child or descendant;

(7) When a child or descendant leads a dishonorable or disgraceful life;

(8) Conviction of a crime which carries with it the penalty of civil interdiction. (756, 853, 674a)”

Ang magulang ay maaaring gumawa ng kanyang Last Will and Testament kung saan maaari niyang isaad dito ang hangganan ng mana ng bawat isa sa mga anak niya. Kinakailangan lamang na sa kanyang pagtatalaga ng bahagi ng mana ng bawat isa ay naaayon sa kung ano ang sinasabi ng batas at pantay ang maging hatian ng bawat isa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page