SCUFFLE NINA ABUEVA AT STANDHARDINGER, MAY MULTA


HINDI nakawala sa hagupit ng multa sina Christian Standhardinger at Calvin Abueva dahil sa nangyaring banggaan nila sa Game 3 ng PBA Philippine Cup sa pagitan ng laban ng San Miguel Beermen at Phoenix Fuel Masters.
Pinagmulta ng halagang P20,000 ang ipinataw kay Beermen player Standhardinger dahil sa flagrant foul 2 habang P15,000 kay Abueva ng Phoenix dahil ilang ulit itong sumenyas ng dirty finger sa harap pa mandin ng camera.
Mabuti na lamang at pinagmulta lang silang dalawa at hindi na sila sinuspinde.
Nagsimula ang scuffle ng dalawa nang parehong matumba dahil sa pag-aagawan ng bola at doon nasipa ng Filipino-German ang mukha ni Abueva.
Namultahan din si Doug Kramer ng Fuel Masters dahil sa flagrant foul 1 laban kay June Mar Fajardo.
Ayon sa Tweet ni Abueva na nagpakita pa ng larawan ng mga gasgas niya sa mukha at sentido, “ganun talaga, part of the game, semis na, kaya laro lang, walang pikunan..” (MC)





Comments