top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pinagdudahang kabit ng misis, napikon | PINSAN, PINATAY SA SUNTOK

Paul Lamsen
Apr 18, 2019
1 min read

NASAWI ang 39-anyos na mister matapos suntukin ng pinsan nito, kamakalawa ng gabi sa Dagupan City, Pangasinan.

Nakilala ang biktimang si Michael Torio, 39, may asawa, habang agad nadakip ang suspek na si Jayvee Vinluan, nasa tamang edad, may asawa, kapwa naninirahan sa nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon, dakong hapon, masaya pang nag-iinuman ang magpinsan kasama ang mga kaibigan nang hindi na magkaintindihan ang dalawa nang malasing ang nga ito na nauwi sa pagseselos ng biktima sa suspek sa kanyang misis gawa ng masyado madikit sa suspek at nababalitang may ugnayan ang mga ito.

Dahil dito, lumaki ang argumento hanggang sa napikon ang suspek at sinuntok ang biktima.

Dala ng kalasingan, bumagsak ang biktima sa lakas ng suntok ng suspek at nabagok ang ulo nito sa bato na sanhi ng pagkasawi nito.

Agad nadakip ng mga pulis ang suspek na ngayon ay nakapiit na sa Dagupan City BJMP.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page