top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pangangampanya ngayong Semana Santa, bawal!

Ryan B. Sison
Apr 18, 2019
1 min read

ANG Semana Santa ay hindi panahon ng pangangampanya! Ito ang dapat tu­matak sa isip ng mga kandidato, gayundin ng kanilang mga tagasuporta.

Gayunman, panawagan ng environ­mental group na EcoWaste Coalition sa mga kandidato na huwag samantalahin ang pagdagsa ng mga namamanata sa mga pilgrimage site ngayong Holy Week.

Ito ay dahil sa ilalim ng batas, ipinagba­bawal ang pangangampanya sa kasagsa­gan ng Huwebes at Biyernes Santo kung saan bawal ang magsagawa ng motorca­de, political advertisement sa radyo at telebisyon.

Samantala, posible kasing gumawa ng eksena ang mga tatakbo kahit walang pisikal na presensiya nila kung saan ma­aari silang magbigay ng libreng pamay­pay, pagkain, tubig at marami pang iba na ikinokonsiderang “vote-buying”.

Dagdag pa rito, hindi tama kung maging ang panrelihiyosong gawain ay hahaluan pa nila ng politika, bilang res­peto sa ating pananampalataya, kaunting hiya lang ang nais nating ipaalala sa mga tatakbo na kung saan-saan nagkakalat ng kanilang pagmumukha at pangalan.

Sa totoo lang, maraming panahon para riyan, kaya iwasan muna ang pagi­ging “epalitiko” ngayong ginugunita na­tin ang pagsasakripisyo ni HesuKristo para sa ating lahat.

Gayundin, panatilihing malinis ang kapaligiran at huwag nang magtapon kung saan-saan.

Ang mga polisiya ay dapat sundin para sa mapayapang Semana Santa at hala­lan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page