Naglalakad pauwi, hinarang | BEBOT NI-RAPE, PINATAY
- Janice Baricuatro
- Apr 18, 2019
- 1 min read

PINANINIWALAANG ginahasa muna bago pinatay ang dalaga na natagpuang walang saplot sa Noveleta, Cavite, kamakalawa.
Alas-6:00 ng gabi nang madiskubre sa abandonadong kubo sa bakanteng lote ng Bgy. Sta. Rosa 2, ng nasabing bayan ang biktimang kinilalang si Lynrose Arraya, 23. Walang saplot ang biktima at natagpuan din sa crime scene ang basag na bote na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay dito.
Bago ang pagkakatagpo sa biktima, nag-post sa Facebook ang kapatid nito noong umaga at humihingi ng tulong upang mahanap ang kapatid. Nabatid na huling nakausap ang biktima alas-10:00 ng gabi ng Lunes at sinabing pauwi na siya ngunit, hindi na nakarating sa kanilang bahay.
Malapit lang umano ang bahay ng biktima sa kinatagpuan nito at pinaniniwalaang naglakad ito pauwi at doon hinarang ng hindi pa nakikilalang suspek.





Comments