Malinaw ayon sa birthday... LALAKING NAKATAKDANG MAKAPAG-ABROAD SA SUSUNOD NA TAONG 2020

Dear Maestro,
Araw-araw akong sumusubaybay sa inyong mga artikulo at nais kong magtanong tungkol sa aking kapalaran.
Kumpleto na rin ako ng inyong mga aklat mula ika-1 hanggang ika-4 na aklat at waiting para sa ika-5 ninyong aklat at masasabi kong marami na akong natutunan. Isinilang ako noong June 23, 1991.
Gusto kong malaman mula sa inyo kung ano ang aking masusuwerteng araw, taon at balak ko ring mag-apply sa abroad.
Nagtapos ako ng Marine Engineering at may trabaho ako ngayon, kaya lang bukod sa maliit lang ang aking suweldo na hindi ikauunlad ng aking pamilya ay hindi rin gaanong related sa course ko ang aking trabaho ngayon, kaya gusto ko rin makasampa sa barko at sa kasalukuyan ay nag-a-apply ako, hindi ko lang alam kung kailan ako matutuloy.
Sa palagay ninyo, Maestro, kailan ako makapag-a-abroad at makasasampa sa barko bilang seaman?
Umaasa,
Ruel ng Balibago, Angeles City, Pampanga
Dear Ruel,
Ang birth date mong June 23, 1991 ay nasasakupan ng zodiac sign na Cancer, pero medyo malapit lang din sa zodiac sign na Gemini. Habang, ang birth date mo ay 23 o 5 (2+3=5) at nagtataglay ka rin ng destiny number na 4 (6+23+ 1991=2020/ 20+20=22/ 2+2=4).
Napansin mo ba ang 2020 ng kinompyut natin ang iyong destiny number? Ibig sabihin, dahil may suma o kabuuang tuos na 4 ang 2020, tunay ngang walang kamali-mali, sa nasabing panahon, sa edad mong 29 pataas, kusa kang papalarin sa panahong ito ng iyong buhay.
Bukod sa taong 2020, ikaw ay lubha ring magiging mapalad sa susunod na mga taong 2021at 2022, sa edad mong 30 at 31 higit lalo tuwing sasapit ang mga buwan ng Hunyo hanggang Hulyo at Oktubre hanggang Nobyembre sa mga petsang 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, sa partikular na araw ng Linggo, Lunes at Miyerkules.
Habang, ayon sa iyong Travel Calendar, kusang aangat ang graph ng iyong suwerte sa pangingibang-bansa tulad ng nasabi na, sa taong 2020 hanggang 2022.
Sa mga panahong tinuran, marami at malalaking suwerteng hindi inaasahan ang darating sa iyong buhay hanggang sa kusa na ring darating ang hinihintay mong pangingibang-bansa na nakatakdang mangyari tulad ng nasabi na, sa susunod na taong 2020, sa buwan ng Oktubre o kaya ay Nobyembre, sa edad mong 29 pataas kung saan walang duda, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.




Comments