top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kinagat sa puwit | MISTER DEDBOL SA BABOY

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 18, 2019
1 min read

TODAS ang magsasaka matapos atakihin ng alagang baboy sa Romblon noong Lunes.

Kinilala ang bktima na si Tanny Baladjay, 58, ng Bgy. Progreso Weste sa bayan ng Odiongan.

Ayon sa pamangkin ng biktima, nag-iigib ang kanyang tiyuhin nang lapitan ng baboy saka inatake.

Sinubukan pa umanong tumakbo ni Baladjay ngunit, nang madapa ay dito na pinagkakagat ng baboy sa kanyang mga binti at puwit.

Isinugod pa sa Isiah Medical Center ang biktima ngunit, idineklarang dead-on-arrival dahil naubusan ng dugo.

Matapos ang pag-atake, kinatay at inilibing ang baboy. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page