top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Julia, inanakan daw, 'di naman kayang aminin… HIRIT NG MADLANG PIPOL: COCO, WALANG BALLS!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 18, 2019
  • 1 min read

AND since wala pa nga ring pagdi-deny na nagmumula sa kampo ni Julia Montes mula nang pumutok ang balitang nanganak na siya, marami na tuloy ang nagtataka kung bakit ni hindi man lang lumalabas at magpainterbyu ang aktres para once and for all ay maging malinaw na sa lahat kung ano ang totoo.

Kahit sa Instagram account ni Julia, wala ring makikitang latest post niya. March 18, 2019 pa ‘yung huling IG post niya, kaya naman nag-aabang ang mga fans niya kung ano na ba’ng nangyayari sa kanilang idolo.

Pati tuloy si Coco Martin na sinasabi ngang ama ng anak ni Julia ay naba-bash ngayon at inaakusahan ng ilang netizens na “walang balls” dahil kung totoo raw na may anak na sila ng aktres, bakit hindi pa niya ma­amin-amin sa pub­liko?

Well again, sina Coco at Julia lang ang nakakaalam ng kani­lang rason kung bakit patuloy silang nananahimik sa isyung ito kahit pa paulit-ulit naman nang nahe-headline sa mga pahayagan.

Kung sakali namang totoo, feeling namin, mas marami ang matutuwa kesa mamba-bash sa kanila, lalo kung mag­papakatotoo na nga sila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page