top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

FARAON, DE LUNA AT 4 PA SA WORLD POOL

Eddie M. Paez Jr.
Apr 18, 2019
1 min read

UMAKYAT sa anim ang mga manunumbok ng Pilipinas na sasargo sa final 64 matapos na makapag­poste ng malinis na kartada sina Raymond Faraon at Jeff de Luna sa final qualifiers ng 2019 World Pool Billiard Association (WPA) Players’ Championship sa Las Ve­gas, Nevada.

Sinagasaan ni Faraon sina Hsu Jui An (5-1), Blake Baker (5-1) at Luu Minh Phuc (5-1) pagkatapos ng opening round bye para makahak­bang sa susunod na bahagi ng labanang magkakaloob ng $10,000 sa makakaakyat sa trono at $7,000 sa magi­ging segunda.

Kinasangkapan naman ni de Luna ang mga panalo laban kina Ruslan Chinak­hov (5-3), Manuel Perez (5-2) at Chris McDaniel (5-3) at isang ring bye para mag­karoon ng tsansang tangha­ling inaugural champion ng malupit na paligsahang nila­lahukan ng mga de-kalib­reng manunumbok mula sa iba’t-ibang parte ng daigdig tulad nina Alexander Kaza­kis (Greece), Niels Feijen (Ne­therlands), Chang Jung-lin (Taiwan), Ko Pin-yi (Tai­wan), Shane Van Boening (USA), Fedor Gorst (Russia), Jayson Shaw (Scotland), Chris Melling (England), Dennis Grabe (Estonia), Thorsten Hohmann (Ger­many), Naoyuki Oi (Japan), Eklent Kaci (Albania), Mika “Iceman” Immonen (Fin­land) at Ralf “Kaiser” Sou­quet (Germany).

Nauna rito, nakakuha ng upuan sa main draw sina Carlo “The Black Tiger” Biado, Johann Chua, Zoren James “Dodong Diamond” Aranas at Jeffrey Ignacio sa pamamagitan ng iba’t-ibang landas. Sina Biado at Chua ay swak sa susunod na yugto ng kompetisyon dahil sa pagiging bahagi nila sa WPA top 20 rankings.

Si Aranas naman ay hu­mablot ng upuan sa pama­magitan ng bakbakan sa Qualifier No.1 habang si Ig­nacio ay nakasingit sa tulong ng makinang na paglalak­bay sa Qualifier No. 3.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page